
Nag-audition si Kyline Alcantara para sana sa role ng batang Teresa Abaya, portrayed by Therese Malvar. Ito ay ang younger version ni Jean Garcia. Pero ang role ng kontrabidang si Cheska ang nasungkit niya.
Inalala ng aktres, "[Noong time na 'yun] okay na ako kung matanggap man ako dito, thank you. Pero kung hindi ako matanggap i-a-accept ko kasi malalaking artista po sila. So parang I'm not expecting."
Dahil sa pag-portray niya kay Cheska binansagan si Kyline bilang isang La Nueva Kontrabida.
Hindi daw inakala ng aktres na talaga namang mamahalin ng fans ang kanilang show. Aniya, "Hindi naman ine-expect na tataas po 'yung ratings namin."
Panoorin ang full interview ni Kyline Alcantara sa Tunay Na Buhay: