What's on TV

#TRIVIA: Rita Daniela, unang ka-love team raw si Martin del Rosario

By Felix Ilaya
Published February 26, 2019 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Marcos will have working Christmas holidays
Fr. Gianluigi Colombo, founder of Amici Philippines, passes away
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Mga Kapuso, alam n'yo ba na si Martin del Rosario ang first ka-love team ng My Special Tatay star na si Rita Daniela?

Mga Kapuso, alam n'yo ba na si Martin del Rosario ang first ka-love team ng My Special Tatay star na si Rita Daniela?

Rita Daniela
Rita Daniela

Ayon kay Rita sa #BoBreyFacebookLive, una raw silang nagkatrabaho ni Martin sa pelikulang Dagim.


Aniya, "In all fairness to Martin del Rosario, napaka-husay. Sa mga hindi po nakakaalam, si Martin 'yung first love team ko.

“Fourteen years old lang ako noon tapos 16 noon si Martin.

“Kaya ang saya-saya kasi parang ang galing na nandito pa rin kami at magkatrabaho kami ulit.

“Kaya siguro sa mga nakakapanood nung mga past episodes, mayroon kasing nagsasabi na ang galing daw 'nung chemistry, parang matagal na kami magkakilala. Kasi nga 14 pa lang ako noon, magkatrabaho na kami ni Martin."

Hangang-hanga rin si Ken Chan sa husay ni Martin sa pag-arte.

"Magaling na aktor talaga si Martin. First time ko siya makatrabaho dito sa My Special Tatay and 'nung magka-eksena kami, sabi ko sa kaniya mismo 'Ang galing mo talaga 'noh?' Tapos natawa lang siya sa'kin.

"Nagagalingan talaga ako sa kaniya. Isa siya sa mga mahusay na aktor dito sa GMA and happy ako na nakatrabaho ko siya," wika ni Ken sa kaniyang exclusive interview with GMANetwork.com.

Panoorin ang kulitan nina Ken at Rita sa #BoBreyFacebookLive below: