Ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso, binalikan ni Tito Sotto ang pag-iibigan nila ni Helen Gamboa. Isang rebelasyon ang kanyang binitiwan sa special segment ng Eat Bulaga na ‘Dabarkads’ Amazing True Love Stories.’
Nang tanungin kung ano ang hindi malilimutang bahagi ng kanilang love story, ikinuwento ni Tito ang ginawa nilang pagtatanan ng kanyang misis.
“Nung magtanan kami, 1969, na tumalon siya sa bakod, na itinakbo ko siya ng Santo Tomas, Batangas. Ikinasal kami sa pari dahil nawawala ‘yung piskal, at ibinalik ko siya noong hapon na, at ang laki ng problema namin pag-uwi,” natatawa niyang pag-alala.
Ano naman kaya ang kanyang mensahe sa kanyang butihing maybahay?
“I love you forever. Alam mo ‘yun. And I know you love me too,” saad ni Tito.
MORE ON TITO SOTTO AND HELEN GAMBOA:
LOOK: Tito Sotto, nagtaka kung paano nagustuhan ng asawa dahil sa isang throwback photo