
Si Trixie Dayrit ang nakakuha ng unang puwesto sa Huling Banggaan ng Tanghalan ng Kampeon season 2.
Ngayong Lunes, November 18, nagsimula na ang tapatan ng mga grand finalists ng Tanghalan ng Kampeon season 2 sa TiktoClock. Unang nagharap sa laban para sa pangarap sina Trixie Dayrit at Oliver Felix.
Nakakuha ng perfect score na 15 stars si Trixie mula sa mga inampalan na sina Renz Verano, Hannah Precillas, at Daryl Ong.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Ayon kay Trixie, inaalay niya ang kaniyang laban sa Tanghalan ng Kampeon season 2 sa kaniyang mga magulang.
"Inaalay ko po itong laban na ito sa mga magulang ko na nagbigay ng sakripisyo para magawa ko po itong passion kong ito sa pagkanta."
Samantala, inilahad naman ni Trixie ang aabangan sa kaniya ng mga manonood at kaniyang mga supporters sa grand finals ng Tanghalan ng Kampeon season 2 sa TiktoClock.
"Ang aabangan niyo pa po sa akin, siyempre, gugulatin ko pa po kayo."
Abangan kung sino ang susunod na makakapasok sa Huling Bangaan ng Tanghalan ng Kampeon season 2 sa TiktoClock.
Iboto ang Kampeon mo sa Tanghalan ng Kampeon season 2 ng TiktoClock para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000! Bisitahin ang www.gmanetwork.com/TiktoclockKAMPEONKOYAN at tumutok sa TiktoClock sa November 18 hanggang 21.
BALIKAN ANG MGA GRAND FINALISTS NG TANGHALAN NG KAMPEON SEASON 2: