GMA Logo Vice Ganda
Photo by: praybeytbenjamin (IG)
What's Hot

Tropa ni Vice Ganda sa Tondo, todo-suporta sa kanilang kaibigan

By Kristine Kang
Published May 6, 2026 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Masobra 40 ka colorum tricycles nga nagabyahe sa Bacolod City, ginpang-impound | One Western Visayas
Alex Eala outlasts Magdalena Frech in Italian Open Round of 128
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Nagsama muli sina Vice Ganda at ang kanyang mga dating tropa mula sa Tondo, Manila.

Isa na namang masaya at heartwarming reunion para kay Vice Ganda at sa kanyang mga kaibigan mula sa Tambunting, Tondo, Maynila.

Sa kanyang latest vlog, masayang nagkuwentuhan ang It's Showtime host kasama ang kanyang childhood friends at mga katrabaho mula sa comedy club.

Puno ng tawanan ang kanilang muling pagsasama habang binalikan nila ang kanilang kabataan hanggang sa kanilang mga taon sa kolehiyo.

Ayon sa kanyang grupo, matibay ang samahan nila ni Vice na magkakasama sa mga laro at kulitan, kahit matagal na nilang nararamdaman na maaaring kabilang ito sa LGBTQ community.

"Feeling ko nararamdaman na din nila iyon," ani Vice.

"Hindi lang siya nag-a-out noon," hirit ng kanyang kaibigang si Ivan.

Bilang mga bata, hindi naging isyu ang kanilang pagkakaiba at patuloy nilang sinuportahan ang isa't isa.

"Alam mo 'yung istorya n'un, pakiramdam na namin na ganoon siya. Kaya lang, siyempre, alam namin 'yung father niya. Kaya pinipilit namin siyang maging matigas," kuwento ni Melvin.

"Kailangan makita siya ng tatay niya na macho, naglalaro 'yung anak kong basketball kasi matangkad. Tropa kaya okay lang."

Madalas pa nga nilang ipinagtatanggol si Vice laban sa mga nang-aasar.

"So kapag may nagloloko sa akin, sila din 'yung mga shield ko," masayang ikinuwento ng comedian.

Sa loob ng ilang taon, tuluyang nakumpirma ng kanyang mga kaibigan ang kanilang hinala nang pumasok si Vice sa kolehiyo.

"So nakita [ni Ivan] kung paano ako sa FEU noong college. Ta's nakita niya puro bakla 'yung mga kasama ko. So confirmed niya na bakla pero hindi namin pinag-uusapan. Parang hindi siya issue," ani Vice.

"Basta importante masaya lang," dagdag ng isa pa nilang kaibigan na si Paul.

Bago ang kanilang vlog, nakasama rin ni Vice ang kanyang tropa at iba pa nilang dating kapitbahay sa masayang segment na “Laro, Laro, Pick” sa It's Showtime.

Maraming madlang people ang natuwa sa kanilang kulitan at sa masasayang kuwentuhan tungkol sa lugar na kanilang kinalakihan.

Sa nasabing segment, si Ate Precy ang nagwagi ng jackpot prize na umabot sa PhP 100,000.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan dito ang kanilang kulitan sa It's Showtime: