
On-screen or off-screen?
Naranasan n'yo na bang magka-crush sa inyong guro?
Kung ang girls ang humahabol kay That’s My Bae Kim Last bilang si Ginoong Park sa Trops, palihim niya namang nililigawan ang kanyang Filipino teacher na si Binibini Macauba na ginagampanan ni sexy actress Ina Raymundo.
IN PHOTOS: Kim Last, from back-up dancer to ‘Eat Bulaga’ star!
Meron isang beses na dinalhan niya ang kanyang istriktong propesor ng kakanin ngunit tinanggihan ito. Nang bigyan siya ng kanyang titser ng phone number, akala niya magde-date sila pero isa pala itong group activity para mapabuti ang kanyang Tagalog.
Para ma-impress ni Ginoong Park ang kanyang crush, nag-audition siya sa kanilang school play. Si Florante ng Florante at Laura ang kanyang pinili at nasungkit naman niya ang lead role.
Sa katunayan, real life crush daw ng bae ang kanyang co-star ngunit hindi raw ito alam ng aktres. Nagpapasalamat si Kim na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang sikat na aktres, “It’s such a pleasure working with Miss Ina Raymundo.”
MORE ON 'TROPS':
That’s My Baes ng ‘Eat Bulaga,’ nagpasalamat sa mataas na ratings ng ‘Trops’
‘Trops’ star Taki Saito, binigyan ng tips si Kenneth Earl Medrano para maka-move on