Hindi nagpahuli ang Eat Bulaga mainstay na si Taki Saito para batiin ang kanyang co-stars na sina Maine Mendoza at Patricia Tumulak sa kanilang kaarawan noong Biyernes, March 3.
Naging malapit ang young rising star sa kanyang mga ate sa showbiz dahil sa Eat Bulaga at Trops.
#WhosTHATgirl: 10 facts about ‘Eat Bulaga’ and ‘Calle Siete’s’ Taki Saito
Binati ng half Filipina, half Brapanese actress na laking France si Yaya Dub sa wikang Pranses at nagpaabot ng kanyang birthday wish, “[I] wish you happiness and good health. Rest [ka] naman kahit na it may seem impossible.”
Hiniling rin ni Taki na sana magpataba na ang phenomenal star kaya inaanyayahan niya itong mag-food trip sa Paris at Tokyo. “I’ll be your guide,” saad niya sa kanyang post.
WATCH: Maine Mendoza’s 22nd birthday, puno ng sorpresa
Samantala, looking forward namang maka-bonding ni Taki si HBD Girl. “To more yogas, spas, workouts and eating bonding together.”
Tiniyak rin ng Trops star na “whenever you need me, I’m here.”
Pinasalamatan siya ng Chika Minute anchor, “[I] love you, my baby sister.”
MORE ON MAINE AND PATRICIA'S BIRTHDAY:
WATCH: 'Eat Bulaga' girls and Baste sing for Patricia Tumulak's birthday
WATCH: Maine Mendoza's 22nd birthday, puno ng sorpresa