What's Hot

'Trops' star Taki Saito, sinagot na si 'That's My Bae' Miggy Tolentino?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Kunwari lang daw na mag-on sila sa pagkakaalam ni Kenneth. Magkakadebelopan kaya ang dalawa sa huli?


 

Para sayo :) <3

A photo posted by Miggy Tolentino (@thatsmybae_miggy) on


Iba talaga pumorma si That’s My Bae Miggy Tolentino! Todo effort kung manligaw sa babaeng kanyang napiling mahalin.

Hindi man sa mga matatamis na salita, sa pamamagitan naman ng kilos at gawa ay kanyang naipapakita ang kanyang tunay na nararamdaman pra sa Trops leading lady, Taki Saito.

Palihim ang pagkagusto ni Taki kay That’s My Bae Kenneth Earl Medrano sa kuwento at alam naman ito ni Miggy ngunit ayaw niyang magpaawat.

READ: ‘Trops’ star Taki Saito, binigyan ng tips si Kenneth Earl Medrano para maka-move on 

Nang aamin na sana si Kenneth ng kanyang feelings para sa dalaga, hinarangan ito ni Miggy at sinabing, “’Di na kailangan kasi kami na ni Taki.”

Napa-walk out si Kenneth at nahuli ng dalaga ang sinabi ni Miggy kaya nagalit ito sa kanya. Ani, “You know how much I like Kenneth, ‘di ba?”

 

Ginawa raw iyon ni Miggy dahil ayaw na niyang nakikitang nasasaktan si Taki sa bawat oras na kasama ni Kenneth ang kanyang ex-girlfriend na si Pia. Ngunit tugon ng dalaga, “Thanks, but no thanks. Hindi naman basta-basta mawawala ang feelings ko para kay Kenneth.”

Sa campus, nakasalubong ng dalawa ang mag-ex at kinumpirma rin ng dalaga na boyfriend na niya si Miggy. Nabigla ang mag-Trops sa rebelasyon ni Taki.

Sinangayunan ng dalaga ang ginawa ni Miggy dahil maaring magkaroon ng second chance ang mag-ex. Ngayon, litong-lito ang dalaga, “I know what I said is wrong at hindi ko nga alam bakit ko sinabi iyon eh. I feel so trapped in this situation.”

Kunwari lang daw na mag-on sila sa pagkakaalam ni Kenneth. Magkakadebelopan kaya ang dalawa sa huli?

Manuod ng Trops, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m. bago mag-Eat Bulaga.

READ: ‘That’s My Baes’ ng ‘Eat Bulaga,’ nagpasalamat sa mataas na ratings ng ‘Trops’