
Ibinahagi ni Troy Montero sa nakaraang episode ng Mars Pa More kung handa ba siya na magkaroon pa ng isang baby.
Ito ay sinagot ni Troy sa segment na “Tarantanong” ng naturang programa, kung saan ang naghatid ng kanyang tanong ay walang iba kundi ang fiancée nito na si Aubrey Miles.
Tanong ng former Survivor Philippines contestant, “I have a question for you. This is only answerable by yes or no. Are we going to have another baby? Yes or No?”
PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)
“No,” sagot ni Troy habang diretsong nakatingin sa camera.
PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)
Paliwanag naman niya kina Mars Pa More hosts Camille Prats at Kuya Kim Atienza, “We're happy na with everything now. We've already discussed na two boys, one girl, tapos na that's it. So, we're just going to enjoy it.”
“I think for 'yung family size na and even 'yung age gap. And our age for us to parang… is it safe and everything. I think it's better na we're finished, happily finished,” dagdag pa niya.
Matatandaan na engaged na sina Troy at Aubrey noong Marso at ginanap ang kanilang engagement habang sila'y nagbabakasyon sa Boracay.
Biniyayaan din sila ng tatlong anak na sina Rocket Miller, Hunter Cody Miller, at Maurice, na anak ni Aubrey sa kanyang dating partner na si JP Obligacion.
Panoorin ang buong “Tarantanong” segment ng Mars Pa More video sa itaas o dito.
Para sa mas marami pang celebrity features gaya nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.
Samantala, silipin ang beautiful family nina Troy Montero at Aubrey Miles sa gallery na ito.