What's Hot

Trudis Liit meets Trudis Laki

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 16, 2020 9:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



At last nagkita na ang original child actress na gumanap sa role ni Trudis Liit, si Gov. Vilma Santos at ang nag-remake nito sa telebisyon, si Jillian Ward.
At last nangyari na rin ang pinaka hihintay ng mga loyal viewers ng ‘Trudis Liit’, ang magkita ang original child actress na gumanap sa role ni Trudis, si Gov. Vilma Santos at ang nag-remake nito sa telebisyon, si Jillian Ward. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Connie M. Tungul Batangas City: Sa kapitolyo ng Batangas kung saan matatagpuan ang opisina ni Gov. Vilma Santos nangyari ang pagkikita ng dalawang Trudis. Matatandaang, nagbigay ng isang interview noon si Gov. Vi na gusto niyang makilala si Jillian Ward, ang batang nag-remake ng kanyang award-winning role, ang Trudis Liit. Kaya naman binigyan katuparan ito ng Wish Ko Lang. stars Bago pa man magkita ang dalawa, tinanong na namin si Gov. Vi kung ano ang pakiramdam niya na may nag-remake ng Trudis Liit? “Definitely, I feel honored kasi in the first place, pagkatapos kong gawin ‘yung Trudis Liit may gumawa pang isa and then inulit na naman nila ngayon and ibig sabihin lang tama ‘yung naging desisyon ko noon na gawin ‘yung Trudis Liit dahil ‘yun ‘yung naging umpisang-umpisa ko kung bakit ako naging Vilma Santos di ba? So definitely, I’m honored and flattered na ginagawa ulit ‘yung unang pelikulang ginawa ko,” ang pahayag ng Star for All Seasons. Ano naman kaya ang masasabi niya kay Jillian Ward? “Magaling ‘yung bata, ah. Bibong-bibo para ngang mas bibo pa s'ya sa akin noon nung nagumpisa ako eh. Kasi makabagong panahon na rin ngayon. But I think definitely she’s giving justice to the role of Trudis Liit di ba? Ang ganda rin niya, so basta’t ang alam ko ‘yung Trudis Liit ay napakagandang stepping stone. Lalo na kung makakadeliver talaga para sa isang umaasam na maging artista kasi maganda yung produkto talaga,” ang paliwanag pa niya. stars Meron ba siyang maibibigay na advice para kay Jillian para mag-succeed sa showbiz? “When I made Trudis Liit I was nine, so ang akin lang pagka nasa dugo 'yan talaga pabayaan lang natin. But, ‘wag mo lang pababayaan ‘yung pag-aaral mo ha. Napaka-importante nun kasi ako noong ginawa ko ‘yung Trudis Liit nagpapa-tutor ako noon para makahabol sa school. Kasi it’s very important kahit anong sabihin mo number one pa rin ang education.” Habang sinasabi niya ito, pumasok si Jillian na may dalang bulaklak para sa original na Trudis. Tuwang-tuwa si Gov. Vi sa pagkabibo ni Jillian at magiliw niyang kinausap ito. Bago pa man matapos ang pagkikita nila, sinabi ni Gov. Vi kay Jillian na: “You call me Trudis Laki and you are Trudis Liit ha.” Na sinagot naman ni Jillian ng, “I’m liit and you're laki!” Mapapanood ang pagkikita ni Trudis Liit at Trudis Laki sa Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 8, 2010, pagkatapos ng Startalk. Pag-usapan ang nakaktuwang pagkikita ni Jillian at Gov. Vi sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Mapapanood ang Trudis Liit weekdays sa Dramarama block ng GMA, pagkatapos ng Eat Bulaga.