
Iba-iba ang activities ng mga celebrity ngayong naka-enchanced community quarantine ang buong Luzon.
Ang naisip na paraan ng pamilya ni Glow Up host Winwyn Marquez ay ang mag-TikTok para magbigay saya sa netizens.
Sa in-upload na TikTok video ng kapatid ni Winwyn na si Vitto, sumama sa kanila ang kanilang ama na si Tsong Joey Marquez.
“And TSONG Joey joined,” sulat ni Winwyn sa caption. “Giving you all some good vibes from our family.”
Dagdag ni Winwyn, solid ang kanyang kapatid na si Vitto dahil napapayag nito ang kanilang ama na gumawa ng TikTok video.
Mayroon nang mahigit 100,000 views ang TikTok ng mag-aama.
LOOK: Kapuso stars you need to follow on TikTok
IN PHOTOS: Celebrities and personalities react to "enhanced community quarantine"