
Isa sa maiinit na tanong na sinagot ng mga aktres at komedyante na sina Tuesday Vargas at Wilma Doesnt sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes (May 11) ay kung ano nga ba ang "pinakabaliw" na nagawa nila sa buhay sa ngalan ng pag-ibig?
Agad na sagot ni Wilma sa tanong ni King of Talk Boy Abunda, ito ay nang nabuntis siya at iniwan, at muli na naman niya itong ginawa.
Kuwento niya, "Ako aamin na ako, nabuntis po ako dalawang beses. Kasi nu'ng nabuntis ako, bye. 'Ah, inulit ko ulit.' Hindi ako natuto. And then on the third, 'Ay sandali, hindi na ito puwede.' So, natuto ako on the third time."
Noong March 2022, ikinasal na si Wilma sa kanyang long-time partner na si Gerick Parin. May tatlong anak ang aktres--sina Asiana, Emilia, at Araion.
Ibinahagi naman ni Tuesday ang ilan sa mga pinagsisihan niya sa pag-ibig.
"'Yun din, 'yan 'yung mga decision natin na nire-regret natin 'yung magpakasal or pumunta sa isang relasyon na hindi masyadong nag-iisip," sabi niya.
Dagdag ng aktres, "We do have regrets. At saka regret is parang... a pastime of old people, hindi 'to nangyayari sa bata e'. Pleasure 'yun na mayroon kang nire-regret. Ibig sabihin, you have done enough with your life para magkaroon ka ng regrets.
"Hopefully, in this age natin, Wilma, na we became wiser because of it. Hindi ko siya tinakbuhan ever. Lahat ng maling desisyon, hinarap natin siya."
Ikinasal noon si Tuesday kay Coy Placido, ang gitarista ng OPM band na Session Road. Sa ngayon, may non-showbiz partner ang aktres na si Joseph Puducay.
Panoorin ang buong interview nina Tuesday Vargas at Wilma Doesnt sa Fast Talk with Boy Abunda:
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
MEET WILMA DOESNT'S BEAUTIFUL FAMILY: