
May plano ba kayo magpa-tattoo, mga Ka-YouLOL?
Well, pakinggan muna ang ilang tips ng Bubble Gang comedienne na si Tuesday Vargas na marami-rami na rin tattoo artworks sa kaniyang katawan. At ang ilan dito ay very special.
Sa latest online exclusive ng Ladies Room, napag-usapan nila ng kapwa Kababol na si Analyn Barro ang ilan sa hot tattoos ng paborito n'yo na Kapuso celebrities.
Una diyan si Lolong star Ruru Madrid.
Ano kaya ang masasabi ni Tuesday sa Hebrew script tattoo ng Sparkle hunk?
Aniya, “Si Ruru [Madrid] ay may Hebrew script sa left rib. Nasa sa kaniya na 'yun, kung ano 'yung sinulat niya sa Hebrew script niya. Pero, you know what I like about script, kasi marami akong script.”
“Very--very personal siya, so, ikaw lang puwede maglagay ng meaning. Ikaw lang puwede magsabi, kung ano naiisip around the time na sinulat mo siya sa katawan mo”
Mero'n din iniwang payo ang comedienne-singer sa mga tao na gusto ipa-tattoo ang pangalan ng kanilang boyfriend o girlfriend.
Paalala ni Tuesday, “Pero ang one thing na masasabi ko sa gusto magpata-tattoo ng text or script, huwag kayo magpa-tattoo ng pangalan ng jowa! [laughs]”, diin niya, “tigilan n'yo yan siya. Marami na po akong kaibigan na napahamak diyan.”
Mahalaga rin ayon sa kaniya na ibabagay ang inyong tattoo sa bahagi ng katawan kung saan siya ilalagay.
Paliwanag niya, “Dapat, when we select a tattoo image. In the future, interested ka to have a body modification or ink, ibabagay mo siya sa shape ng body part.”
“So the wings are great for the shoulder blades, yung mga dito sa lower back, ganiyan.”
Heto pa ang ilan sa kulitan at hot topics sa Ladies Room sa mga video below:
Silipin ang kikay kits ng iba't ibang Kapuso stars!
Ana banana, sige i-hugot mo pa!
Ang mga 'do's and don'ts' sa pagpapa-tattoo by Tuesday Vargas
SILIPIN ANG TATTOO ARTWORKS NG MGA SHOWBIZ HOTTIES: