
Sa kanyang social media post, ipinamalas ng actress-comedienne na si Tuesday Vargas ang kanyang pagpapakumbaba sa harap ng mga kasamahan sa industriya. Hindi siya nag-atubiling direktang i-offer ang sarili sa kanyang mga kaibigang writer, producer, at director.
Ipinahayag pa ni Tuesday na siya ay “available” para sa projects.
“Sa mga kaibigan kong writer, producer at director po, kung meron po kayong projects para sa akin ay available po ako,” saad ni Tuesday.
Bukod sa pagiging available, binigyang-diin din ng aktres ang kanyang dedikasyon at sigasig sa kanyang napiling larangan. Tiwala rin siya sa kanyang kakayahan bilang isang mahusay at "versatile" na artist.
Aniya, “I am a diligent worker and I'd like to believe that I am a good and versatile artist.”
Tinapos ni Tuesday ang kanyang pahayag nang may kalakip na pangako: “Please hire me po. Promise paghuhusayan ko po. Salamat po.”
Dahil sa kanyang katapatan, umani ng paghanga ang aktres mula sa mga netizen at kapwa artista dahil sa pagpapakita nito na walang puwang ang "pride" pagdating sa paghahanap ng marangal na trabaho.
“You are not just a good artist, but mostly a good person. I admire your genuineness. Will pray that you may have a looooong line of projects,” komento ng isang netizen sa post ni Tuesday.
“GIVE HER THAT SPOT!!!!” ani ng isa pang netizen.
“Hoping to see you again on screen,” komento pa ng isa.
Nanawagan din si Tuesday sa kanyang Instagram story, ipinahayag niya na siya ay isa ring mahusay na host, singer, public speaker, at may talento rin sa pag-coordinate at style ng events, maging ang pagtanggap ng mga komisyon sa pagpipinta.
“Guys if you have work for me, I promise I will do my best po to be of service. I am a host, actress and singer po. I also coordinate and style events,” sabi ni Tuesday.
“I am also a public speaker. And I can also do commissions for paintings,” dagdag pa niya.
Nagsabi rin ang aktres na bukas ang kanyang mga mensahe sa mga malinis at marangal na trabaho na p'wede niyang pasukin.
“Please po if may trabaho na malinis at marangal para sa akin PM nyo lang po ako. Thank you!”
Related Gallery: Tuesday Vargas stuns in her 40th birthday photos