Article Inside Page
Showbiz News
Ilang sa ating mga kababayan, sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation, ang nagsimula nang mag-abot ng kanilang tulong para sa mga kasalukuyang sinasalanta ng malakas na ulan at pagbaha sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng Luzon.
Ilang sa ating mga kababayan, sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation, ang nagsimula nang mag-abot ng kanilang tulong para sa mga kasalukuyang sinasalanta ng malakas na ulan at pagbaha sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng Luzon.
Tuluy-tuloy pa rin ang pagtanggap ng pledges through the Operation Bayanihan Telethon ng Kapuso Foundation. Isang kumpanya ang nag-pledge isang milyong piso nitong August 7, samantalang may mga nagdala ng relief goods, tulad ng pagkain, unan, kumot, at ilan pang gamit sa opisina ng Kapuso Foundation.
Para sa mga nais makibahagi sa Operation Bayanihan, tumawag lamang sa Telethon hotline 981-1950 o sa Kapuso Foundation hotline 928-4299. Bukas ang aming linya mula 6 a.m. hanggang 9 p.m. Kabilang sa mga Kapuso artists na nakikilahok sa Telethon last August 7 ay sina Kuya Germs, Raymond Bagatsing, Betong, Ken Chan, at Mikoy Morales.
Maaari ring dalhin ang inyong mga materyal na donasyon tulad ng ready-to-eat food, bigas, pagkaing de-lata, bottled water, banig, kumot, at gamot sa tanggapan ng GMA Kapuso Foundation, 2nd Floor, Kapuso Center, GMA Network Drive cor. Samar Street, Diliman, Quezon City.
Ang mga cash donations naman ay pupuwedeng ideposito sa kahit saang branch ng Metrobank, UCPB at Cebuana Lhuillier. Wala pong service fee na ibabawas sa inyong donasyon patungo sa GMA Kapuso Foundation.
Para sa iba pang detalye tungkol sa cash deposits, maaaring bisitahin ang link na ito:
http://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/pressreleases/2012-08-07/60/Panawagan-mula-sa-GMA-Kapuso-Foundation-Inc.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan. --
Michelle Caligan, GMANetwork.com