
Mas matingkad ang Saturday primetime viewing ninyo, mga Kapuso, dahil hitik sa star power ang lineup ng shows ng GMA-7 simula June 11.
Matapos alamin ang pinakamainit na balita sa 24 Oras Weekend, tumawa kasama ang original cast ng multi-awarded Kapuso sitcom na Pepito Manaloto.
Samahan sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa kanilang funny adventures sa grand premiere ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 6:15 pm.
Matutuklasan na natin kung bakit napadpad ang Manaloto fambam sa isang farm house sa probinsya at ano ang mangyayari sa mansyon nila.
Pagkatapos ng Pepito Manaloto, patatawanin naman tayo ng DongYan with another hilarious episode ng Jose and Maria's Bonggang Villa!
Tama kaya ang kutob ni Maria (Marian Rivera) na may kakaibang kinikilos ang guest nila sa Bonggang Villa na si Maxine?
Pagpatak ng 8:15 pm, mamangha naman tayo sa pag-arte nina Rochelle Pangilinan at Adrian Alandy sa all-new episode ng #MPK (Magpakailanman) na "Nasaan Ka, Inay?"
May comeback din na mangyayari sa patok na sitcom na pinagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Phenomenal Star Maine Mendoza na Daddy's Gurl.
Tutukan ang mangyayari sa pagbabalik ng ex-suitor ni Stacy (Maine Mendoza) na si Pantaleon (Derrick Monasterio).
Hindi lang extra fun, kundi extra hot din ang Saturday episode ng Daddy's Gurl with their special guest, Sparkle hottie Derrick Monasterio, right after #MPK.
Hatid naman ng highly respected Kapuso documentarist na si Kara David ang episode na pinamagatang "Pasan Ko ang Rattan" sa award-winning show na I-Witness.
Kaya walang bibitaw sa panonood ng mga dekalibre at high-rating shows na hatid ng GMA-7 tuwing Sabado Star Power sa Gabi!