Article Inside Page
Showbiz News
May mga bagong sorpresa pa ang Christmas Cartoon Festival ngayong linggo.
By MARAH RUIZ
Tuluy-tuloy lang ang maagang Pasko bawat umaga dito sa GMA!
Kung last week ay napasaya kayo ng mga natatanging Christmas cartoon specials, hindi pa diyan nagtatapos ang saya dahil may mga bagong sorpresa pa ang
Christmas Cartoon Festival Presents ngayong linggo.
Alamin kung makakahanap ng bagong tahanan ang mga abandonadong manika na sina Annie at Teddy sa
The Forgotten Toys: The Night After Christmas sa December 8.
Panoorin ang makulit na adventures ng mga Smurfs at ni Gargamel sa
The Smurfs' Christmas Special sa December 9.
Tunghayan kung ano ang gagawin ng elf na si Noddy para pigilan ang mga goblins na gustong sirain ang diwa ng Pasko sa
Noddy Saves Christmas sa December 10.
Sa December 11 naman ang
Second Star to the Left, kung saan ang mga alagang hayop—isang rabbit, isang guinea pig at isang hamster ang susubok mag-deliver ng isang regalong nahulog sa sleigh ni Santa Claus.
Isang Christmas classic naman ang mapapanood sa December 12, ang
Frosty the Snowman! Marating kaya ni Frosty ang North Pole?
P?anoorin ang lahat ng ito sa
Christmas Cartoon Festival Presents, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng
Ghostfighter. Dito lang sa GMA!