
Inulan ang latest adventure ni Miguel Tanfelix sa Planet XP.
Noong May 9, napanood ang episode 2 ng Planet XP sa Cavinti, Laguna. Ipinakita sa episode na ito na kahit basa ang paligid at maputik ang daan, hindi ito naging dahilan para tumigil ang host ng programa na si Miguel sa pagtutuloy ng kanyang 3 missions para sa episode.
Tampok sa episode na ito ang kung paano mag-harvest sa pandan forest, ang paggamit ng tradisyunal na ilohan upang makabuo ng sambalilo, pag-trek sa mga forest trail ng Cavinti at marami pang iba.
Kasama sa misyon ni Miguel bilang host ng Planet XP ay ang paghahatid ng makakalikasang impormasyon at exciting na kuwento tungkol sa bayan na nakilala dahil sa iconic na simbolo nito, ang Sambalilo.
Balikan ang naganap sa Planet XP dito:
Ang Planet XP ay isang five-part magazine-infotainment special na proyekto ng GMA Network, katuwang ang National Council for Children's Television (NCCT), bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV).
Samantala, nakatanggap ng exemption ang Planet XP mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa educational aspect ng programa na naghihikayat sa exploration at pangangalaga sa kalikasan. Ang Planet XP ay ginawa bilang child-friendly na content o programang angkop para sa mga bata.
Patuloy na subaybayan ang Planet XP tuwing Sabado, 6:30 p.m. sa GMA.