Article Inside Page
Showbiz News
Ngayong Marso, makakasama niyo sina Betong at Sef sa bagong comedy show na 'Sabado-badoo.'
By AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Boring ba ang inyong Sabado?
Huwag kayong mag-alala mga Kapuso. Simula
March 14, 6pm before
Pepito Manaloto, isang bagong TV show ang mapapanood ninyo sa Kapuso network na magbibigay saya tuwing Sabado ng gabi.
Abangan ang nakakatuwang tandem ng multi-awarded comedian na si Sef Cadayona at grand winner ng
Survivor Philippines: Celebrity Doubles showdown na si Betong Sumaya sa
Sabado-badoo.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Sef, magbabalik tanaw raw sila ni Amazing Betong sa bagong offering ng GMA-7.
Aniya, "It’s a show wherein ipapakita natin ‘yung mga dating mga kinagawian ng mga Pilipino. In terms of sa showbiz, sa mga produktong nagamit noon, sa mga teknolohiyang ginamit noon na siyempre hindi natin maiiwasan bigyan ng katatawanan dahil naiisip natin baduy.”
“Pero nung mga panahon na 'yon eh 'yun ang in na in sa kanila. So, gagawin namin ‘yun. We're gonna add characters na magpo-portray ng mga lumang lengguwahe, mga lumang kinagawian noon. Kasama ko siyempre si Kuya Betong Amazing.”
Magiging kaabang-abang ang
Sabado-badoo dahil mapapanood ng mga loyal Kapuso televiewers ang chemistry nina Sef at Betong. Bukod pa diyan tatalakayin ng show ang past at present trends na pinag-usapan at pinagkaguluhan.
“Dito makikita nila ‘yung chemistry naming dalawa. I guess that’s about it dahil ayoko magbigay pa ng information about dun sa show dahil kailangan mapanood nila para makita nila.”
“From
Bubble Gang to
Sabado-badoo, they will see our chemistry as a duo or as a tandem,” dagdag pa ni Sef.
Ilang tulog na lang at mapapanood niyo na ang
Sabado-badoo, coming soon on GMA.