GMA Logo Stars on the Floor promo
What's on TV

Tumutok sa 'Stars on the Floor' para sa chance manalo ng cash prize!

By Karen Juliane Crucillo
Published June 26, 2025 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Stars on the Floor promo


Sa bawat episode ng 'Stars on the Floor,' may chance kang manalo ng P2,000 kapag nahulaan mo kung sino ang tatanghaling top dance star duo kada linggo.

Makisaya at makisayaw sa upcoming dance competition na Stars on the Floor kasama ang celebrity at digital dance stars simula ngayong Sabado, June 28.

Handa ka na rin bang sumayaw sa swerte? Kailangan lang hulaan kung sino ang magiging top dance star duo ng bawat episode para magkakaroon ka ng chance na manalo ng instant cash!

Para sumali, tumutok sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. hanggang 8:15 p.m. sa GMA at sundin ang steps sa pag-submit ng iyong entry.

Tingnan at basahin ang full details sa ibaba.

I-submit ang iyong hula sa www.gmanetwork.com/SOTFPromo, gamit ang format na:


Tanging isang entry kada tao ang pinapayagan bawat episode at limang (5) tamang entries ang pipiliin base sa pinakamabilis na submission at sila ay mag-uuwi ng P2,000 bawat isa.

Ang promo ay tatakbo mula June 23 hanggang October 20, 2025. Ang mga nanalo ay iaanunsyo tuwing Martes sa official social media pages ng Stars on the Floor, at makakatanggap din ng abiso sa pamamagitan ng email, registered mail, o tawag.

Ang papremyo ay ipapadala sa pamamagitan ng e-wallet o money transfer matapos ang verification.

Kaya huwag palampasin ang saya! Manood, makihula, at baka ikaw na ang susunod na promo winner!

Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-228373 Series of 2025.