
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa October 30 (Biyernes) episode nito, nagtagumpay si Ether na muling buhayin ang Reyna ng Etheria na si Avria (Eula Valdez).
Ngayong nakabalik na ito sa kaniyang katawan at nanumbalik na rin ang dating kapangyarihan, handa na sina Avria, Ether, at ang kanilang mga kampon na muling maghasik ng lagim sa Encantadia.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.