
Ang pamilya ang siyang humuhubog sa ating pagkatao. Anuman ang ating pinagdaraanan, nariyan sila para sumuporta. Ngunit, paano kung ang iyong ina ay may kapansanan at tampulan ng pangungutya? Matanggap mo pa kaya siya?
Iyan ang matutunghayan sa upcoming primetime series sa GMA, ang Onanay.
Pagbibidahan ito ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at ang muling pagsasama nina Mikee Quintos at Kate Valdez, ipakikila rin si Jo Berry.
Kasama rin sa serye sina Gardo Versoza, Adrian Alandy, Wendell Ramos, Rochelle Pangilinan, Enrico Cuenca, Vaness del Moral at Cherie Gil.
Ito ay sa direksyon ni Gina Alajar.