Article Inside Page
Showbiz News
Paano nga ba natutunan ni Goku ang pinaka makapangyarihang Kamehameha Wave?
By MARAH RUIZ
Paano nga ba natutunan ni Goku ang pinaka makapangyarihang Kamehameha Wave?
Handog ng
Dragon Ball Fight! Presents ang isa na namang bersiyon ng paghahanap ng mga maalamat na Dragon Balls—ang
The Way to the Strongest.
Dito, kuntento na sana ang batang si Goku sa kanyang tahimik na pamumuhay sa mga kabundukan. Ngunit makikilala niya si Bulma, isang dalagitang naglalakbay para mahanap ang pitong Dragon Balls na makakatupad ng isang kahilingan. Makukumbinsi ni Bulma si Goku na sumama sa kanya.
Sa pagpapatuloy nina Goku at Bulma ng kanilang paglalakbay, makikilala nila dito sina Oolong, Yamcha, Puar at ang ermitanyong si Master Roshi.
Ang grupo nila ay tutugisin ng Red Ribbon Army na naghahangad ding makuha ang mga Dragon Balls. Magkakasama naman nilang lalabanan ang mga robots na ipapadala ng mga ito.
Habang nakikipaglaban sa mga robots, makikita ni Goku ang energy attack ni Master Roshi—ang Kamehameha Wave! Nais niya itong subukan, ngunit magtagumpay kaya siya?
Malupig kaya ni Goku ang mga robots na unti-unti nang pinahihina ang kanilang puwersa? Higit sa lahat, makumpleto kaya nila ang Dragon Balls para matawag ang dragong si Shenron at mabigyan ng isang kahilingan?
Tunghayan ang tatlong bahagi ng
Dragon Ball Fight! Presents The Way to the Strongest! Ang Part 1 ay sa Sabado, April 24, pagkatapos ng
Cross Fight B-Daman; habang ang Part 2 ay sa Linggo, April 25, pagkatapos ng
Tom and Jerry Kids Show.
Abangan naman ang huling bahagi sa susunod na Sabado, May 2, pagkatapos ng
Cross Fight B-Daman dito lang sa nangunguna at nag-iisang astig sa mundo ng anime, GMA!