What's Hot

Tunghayan ang pagbabalik nina 'Tom and Jerry' tuwing Sabado!

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 10:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 31, 2025
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Hatid ng GMA Astig Authority ang iba’t-ibang mga adventures ng dynamic duo ng kakulitan tuwing Sabado, simula May 7!


Isang classic at lubos na kinagigiliwan ang all-time favorite cartoon series na Tom and Jerry. 

Totoo namang nakakaaliw ang paghahabulan at pagkukulitan ng pusang si Tom at ng dagang si Jerry. 

Kaya naman hatid ng GMA Astig Authority ang iba’t-ibang mga adventures ng dynamic duo ng kakulitan tuwing Sabado, simula May 7!

Unang mapapanood ang Tom and Jerry: The Magic Ring kung saan aatasan ng wizard na si Chip na bantayan? ni Tom ang isang mahiwagang singsing. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, makukuha ni Jerry ang singsing.

Anong mga kapilyuhan kaya ang gagawin ni Jerry gamit ang singsing? Mabawi kaya ito ni Tom bago bumalik si Chip?

Abangan sa Tom and Jerry, simula May 7, 8:00 am sa nag-iisang tahanan ng mga astig, ang GMA Astig Authority.