
Mapapanood ang exciting na tweens vs. grown-ups na "Birit Fest" ngayong September 3 sa Sarap, 'Di Ba?
Sa episode na ito ay mapapanood natin ang mga mahuhusay sa biritan na si Zephanie, mga Clashers, at talented kids ng Centerstage.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Makakasama ni Zephanie, ang The Clash Season 3 Champion Jessica Villarubin, The Clash Season 2 Champion Jeremiah Tiangco at ang isa sa performers ng Miss Saigon na si Garrett Bolden. Tampok din sa Sarap, 'Di Ba? ang mahuhusay na tween singers na sina Centerstage Champion Vianna Ricafranca, Second Placer Oxygen Dolorito, Third Placer Colline Salazar at Fourth Placer Rain Barquin.
Abangan ang kanilang games at challenges na haharapin sa tweens vs. grown-ups birit fest tulad ng Sing-Tiktokerist Dance Challenge at "Sarap, 'Di Ba? Shake Chair."
Plus, may ihahanda pang masarap na meal si Carmina Villarroel ngayong Sabado. Abangan ang easy to prepare na special Korean Style Burger.
Abangan ang masayang Saturday morning bonding at biritan na ito sa Sarap, 'Di Ba? ngayong September 3, 10:00 a.m. sa GMA Network.