
Ngayong nalalapit na ang holiday season, mayroong maagang pamasko na handog ang GMA para sa viewers sa GMA Watch and Win Promo.
Sa pamamagitan ng pagtutok sa family drama series na Hating Kapatid at ng iba pang Kapuso shows ay may chance na manalo ng PhP5,000 daily hanggang PhP50,000 sa grand draw. Link:
Subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at hintayin ang special code na lalabas sa telebisyon.
I-scan ang QR code na lalabas sa television screen o bumisita sa www.gmanetwork.com/watchandwin para maisumite ang entry.
Para naman sa mga first-time participant, kailangan munang mag-register gamit ang buong pangalan, complete address, e-mail address, at valid mobile phone number. Kapag nakarehistro na, maaari nang isumite ang promo code of the day bilang entry.
Para sa mas maraming chance ng manalo, maaari ring mag-submit ng higit sa isang entry.
Magiging bukas ang entry forms para sa GMA Watch and Win Promo mula sa GMA Afternoon Prime at GMA Prime slots (2:30 p.m. to 9:30 p.m.), pati tuwing Sabado (2:30 p.m. to 9:30 p.m.).
Kaya subaybayan ang episodes ng Hating Kapatid upang makita ang promo code of the day.
Makikita ang announcement ng daily winners sa telebisyon, sa official website ng GMA Network, at official Facebook pages ng GMA Network at GMA Drama tuwing Miyerkules.
Ang grand draw ay nakatakda sa December 15 kung saan may isang lucky winner na mag-uuwi ng P50,000!
Ang GMA Watch and Win Promo ay tatakbo mula October 27 hanggang December 14, 2025.
Para sa full mechanics ng promo, bumisita sa www.gmanetwork.com/watchandwin.
Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-240087 Series of 2025.