GMA Logo Yaya Sperbund and Mario Maurer in Bad Romeo
What's Hot

Tutulungan ni Kim si Rico na makipagbalikan kay Claire!

By Abbygael Hilario
Published August 1, 2023 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Yaya Sperbund and Mario Maurer in Bad Romeo


Kaya nga bang tiisin ni Kim (Yaya Sperbund) ang sakit habang nakikita niyang nagpo-propose si Rico (Mario Maurer) sa iba?

Gagawin ni Kim (Yaya Sperbund) ang lahat para makabawi kay Rico (Mario Maurer).

Tutulungan niya si Rico na makipagbalikan kay Claire. Kahit na nasasaktan si Kim sa planong proposal ni Rico, susundin niya pa rin ang gusto nito. Siya mismo ang bibili ng engagement ring para kina Rico at Claire.

Bawat kilos ni Rico, naaalala ni Kim ang kanilang mga matamis na alaala noong magkarelasyon pa silang dalawa.

Samantala, habang tumatagal, nahuhulog na rin si Tim (Pop Thatchathon Sabanun) kay Lita (Aokbab Chutimon Chuengcharoensukying).

Mukhang naguguluhan na rin si Tim sa kanyang nararamdaman.

Sa #BRAwayan episode ngayong araw, aalis muna si Lita upang pagalingin ang kanyang puso at maiwasan ang lalaking nanakit sa kanya.

Kailan kaya aamin si Tim sa kanyang totoong nararamdaman? Talaga bang kaya ni Kim na makitang ikasal si Rico sa ibang babae?

Abangan mamaya sa episode ng 'Bad Romeo,' 5:10 p.m., sa GMA Network.