
May payo ang dating Wish Ko Lang host na si Bernadette Sembrano sa mga tao na maging maingat sa binibiling milk tea.
Sa Instagram post ng newscaster noong Linggo, October 13, ibinahagi niya sa kanyang followers ang 'nakakadiring' experience ng asawa niya na si Emilio Aguinaldo IV sa binili nitong milk tea store sa Greenbelt, Makati na may ipis.
Kuwento ni Bernadette, “Ummm excuse me ... to milk tea lovers -- what do you think that black thing is ? Ewwwww. Na-higop ni asawa !!! ( the milk tea company replied na - they will investigate daw.”
Ayon naman sa former GMA News reporter na mag-iimbestiga na daw ang naturang milk tea company sa nangyari at nangako ito na sasagutin ang medical expenses ng kanyang mister kung kinakailangan.
“This is in Greenbelt makati ) UPDATE- YI FANG milk tea company called and informed me that they will close the Greenbelt branch for sanitary inspection .
“They will also shoulder medical expenses of asawa , if needed . ( So far ok pa naman kamj ) Thank you po for taking action.”