
Paboritong weekend night bonding experience para sa maraming Pamilyang Pilipino ang panonood ng pinakamasayang reality show sa telebisyon ngayon na Running Man Philippines.
Bukod sa linggo-linggo na pagba-viral ng mga episode highlights ng show, mas maraming viewers ang tumututok dito sa weekend primetime at nakapagtala ito ng double digit TV ratings sa NUTAM People's Rating last October 15 at October 16.
Source: kkydsnts (IG)
Isa sa malaking factor sa naging success ng show na binubuo nina Glaiza De Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, at Mikael Daez ang pagkakataon na nakasama nila ang SBS Korea production na siya rin mismong nagsu-shoot sa “OG” Running Man show.
Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Kokoy last week, ibinahagi niya ang ilan sa mga natutunan n'ya on working with the SBS Korea team.
Saad niya, “Natutunan ko, siguro 'yung maging mabilis pagdating sa set, sa galawan.”
“Hindi naman ibig sabihin ay ganun na ako kabilis 'di ba, pero tina-try. Kumbaga kasi, isa sa napansin namin doon bukod sa on time lahat, 'yung pagdating kaagad sa set, galawan na.”
Pagpapatuloy ng Sparkle heartthrob, “As in, mabilisan, which is dito naman sa Pilipinas tina-try naman natin e. Siguro, iba lang siguro 'yung approach kasi nga ang bilis lahat.
“Sobrang bilis, kasi nga siguro, game show variety show din. Pero as much as possible tina-try ko siya i-apply sa akin, hindi lang sa set kundi [pati] sa gawain sa bahay.”
KILALANIN ANG ATING TALENTED CELEBRITY RUNNERS SA GALLERY NA ITO: