Ang mga Mendoza na ba ang magiging Dubsmash family ng Pilipinas?
ByAEDRIANNE ACAR
Mukhang hindi lamang si Maine Mendoza ang mayroong mga malulupit na Dubsmash videos. Kahit ang mga kapatid niya na sina Dean at Nico Mendoza ay may patok na ring videos online.
Nag-post si Nico ng version nila ng ‘Twerk It Like Miley’ ni Brandon Beal at maraming netizens ang pumuri sa nakakatawa nilang Dubsmash video. Sa katunayan, umaabot na sa mahigit 4,500 likes ang post ng mga kapatid ni Yaya Dub.