What's on TV

Uhm Ki Joon plays dual role in 'Innocent Defendant'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 2, 2017 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Scottie Barnes hits special triple-double, Raptors top Warriors in OT
1 dead, 1 hurt after tunnel collapses in Zamboanga del Sur
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan siya sa Innocent Defendant, ngayong Hunyo na sa Heart of Asia, GMA!

 

 

Identical twins sina Reggie at Ronnie Cha. Pareho din silang mga heredero ng makapangyarihang Chamyoung Group. 

Pero kung anong ipinagkatulad ng kanilang mga wangis ay siyang ipinagkaiba ng kanilang mga personalidad. 

Si Reggie ay responsable, seryoso sa pamilya at lumalabas na mas may husay sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. 

Si Ronnie naman ay walang ibang ginawa kundi magpakasaya at maglustay ng kayamanan ng kanilang pamilya. Isang gabi, makakapatay siya ng isang babae.

Hihikayatin ni Reggie si Ronnie na sumuko, lalo na at ang top prosecutor na si Julius Park ang hahawak ng kaso niya.

Para makatakas, magagawang patayin ni Ronnie ang sarili niyang kakambal para kunin ang pagkakakilanlan nito. Pero hindi dito matatapos ang kanyang mga problema dahil matindi ang hinala sa kanya ni Prosecutor Park.

Ang Korean actor na si Uhm Ki Joon ang gaganap sa parehong roles nina Reggie at Ronnie.

Nagsimula siya bilang isang musical actor, bago sumikat sa kanyang mga television roles. 

Abangan siya sa Innocent Defendant, ngayong Hunyo na sa Heart of Asia, GMA!