GMA Logo Ultimate 8 PBB 20
Courtesy: GMA Network
What's Hot

Ultimate 8, sumalang sa huling hamon sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

By EJ Chua
Published February 28, 2026 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump says US carrying out 'major combat operations' in Iran
Duterte camp believes ICC pre-trial judges will make 'right decision'
100 beneficiaries, nahandugan ng libreng pustiso sa ilalim ng GMAKF "Ngiting Kapuso Project"

Article Inside Page


Showbiz News

Ultimate 8 PBB 20


Mensahe ng Ultimate 8 kay Kuya sa kanilang final task: “Napakasaya po namin… We feel so fulfilled po.”

Bago ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night, nagtulung-tulong ang Ultimate 8 para sa kanilang huling hamon sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Matagumpay nilang naprotektahan ang mga puting bola sa Ultimate eye mula sa panggugulo ng mga Ninja na pumasok sa iconic house.

Bukod dito, nasaksihan din sa kanilang final task ang pagprotekta at pagtulong ng male housemates sa kanilang mga kasamang female housemates.

Dito ay ipinamalas nina Heath Jornales, Joaquin Arce, at Miguel Vergara ang kanilang mala-action star na moves para makatulong sa pagprotekta sa mga bola.

Matapos ang hamon, ibinahagi ni Heath Jornales kay Kuya ang kanilang naramdaman tungkol sa nakamit nilang tagumpay.

Mensahe niya kay Big Brother, “Napakasaya po naming lahat po, Kuya, and the best feeling po na naipanalo po namin 'yung huling hamon. We feel so fulfilled po.”

Samantala, papangalanan na ang Big Winner sa magaganap na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night. Insert link:

Related gallery: Meet the Ultimate 8 of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

Sino kaya kina Caprice Cayetano, Ashley Sarmiento, Heath Jornales, Princess Aliyah, Lella Ford, Krystal Mejes, Joaquin Arce, at Miguel Vergara ang mag-uuwi ng title na Big Winner?

Sabay-sabay nating samahan ang mga Kabataang Pinoy housemates sa kanilang paglabas sa Bahay Ni Kuya at sa pagsalubong sa kanila ng outside world.

Huwag palampasin ang mga pangyayari sa huling gabi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ngayong Sabado na, February 28, sa special timeslot nito na 7: 15 p.m.

Mapapanood ang big event ng live sa GMA at Kapuso Stream.

Maaari ring subaybayan ang mga pahabol na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream