
Maraming fans ng Sparkle singer-actress na si Angel Guardian ang nagsabi na “dark horse” siya ng Season 1 ng Running Man Philippines.
At talagang pinatunayan ni “Astig Princess” na may ibubuga siya sa mission kahit pisikalan pa ito.
Sa Kapuso web exclusive video ng Ultimate Runner, umamin ito na may malaking pressure sa kanya nung umpisa, lalo na't ni minsan ay hindi siya nag-compete in any sports.
Paliwanag ni Angel, “Sa mga missions namin, kasi pati ako nagugulat ako sa sarili ko at natutuwa ako, alam mo 'yun. Kasi nung umpisa, grabe 'yung pressure sa akin.
“Kasi wala naman ako sports talaga, wala akong sports. Never ko na-try mag-compete, ganyan. So recently ko lang nalaman, 'Uy! Kaya ko pala 'yun,' so 'yun na-amaze din ako sa sarili ko, natutuwa ako [gives herself a pat on the back]. Proud of you!”
Masasabi rin ng Kapuso actress na madaming siya first na nagawa through Running Man Philippines.
Aniya “'Yung mga missions namin. Kasi 'yung mga missions naman namin never ko naman nagawa 'yun, first time ko nagawa 'yun. Ang dami nga no, ang dami ko palang nagawa na first time ko lang nagawa.”
Mas lalo n'yo pang makikilala ang Running Man Philippines Ultimate Runner na si Angel Guardian sa kanyang Slambook Questions video below.
MORE TRIVIA ABOUT ACTRESS-SINGER ANGEL GUARDIAN: