
From Boy Kabado to Ultimate Runner! Angat ang galing at diskarte ni Kokoy De Santos nang matalo niya si Buboy Villar sa one-on-one match nila sa last nametag ripping mission nila sa Running Man Philippines kagabi, September 8.
Matapos ang finale episode, nagpaabot ng pasasalamat si Kokoy sa Instagram para sa lahat na naniwala sa kaniya.
Sabi ng Ultimate Runner ng season two, “Maraming Salamat sa inyong lahat na nagtiwala sa akin, na kaya ko. Noong simula palang.. may mga bagay na tumatakbo sa utak ko na kung bakit ako parte ng napakalaking proyekto na ito.”
“Pero nandiyan kayo para palaging ipaaalala sa akin. Na kaya ko. At ito. Para sa inyo ito.. Pamilya ko, mga Tropa ko at sa mga Kolokoys ko.”
Dagdag niya, “Sa lahat ng bumubuo ng Running Man Philippines, Sa Mga [co]-Runners ko, Mahal ko kayo. Hanggang sa muli.. Tatakbo tayo ulit.”
Bumuhos din ang pagbati mula sa fellow celebrities para sa achievement ni Kokoy sa Running Man Philippines.
Source: kkydsnts (IG)
Bukod pa rito, nag-trend din sa social media site na X (dating Twitter) ang pangalan ni Kokoy.
Source: X (formerly Twitter) and other social media accounts
Balikan ang ultimate win ni Kokoy De Santos sa Running Man Philippines finale sa video below.
RELATED CONTENT: MEET THE RUNNING MAN PH ULTIMATE RUNNER KOKOY DE SANTOS