Article Inside Page
Showbiz News
Sino kaya ang mauunang makakuha ng mga Dragon Balls?
By MARAH RUIZ
Isinumpang makaramdam ng walang humpay na gutom si King Gurume dahil sa kanyang kasakiman. Sa paghahanap niya ng lunas dito, maririnig niya ang tungkol sa alamat ng mga Dragon Balls.
Ayon dito, may pitong Dragon Balls na nagkalat sa mundo, at ang sinumang makakahanap ng lahat ng ito ay mabibigyan ng isang kahilingan mula sa dragon na si Shenron.
Iuutos ni King Gurume sa kanyang mga kawal na sina Pasta at Bongo na ipunin ang mga Dragon Balls sa kahit anong paraan. At dahil lahat ng kanyang atensyon ay nakabaling sa paghahanap ng mga ito, mapapabayaan niya ang kanyang kaharian.
Isang batang babae mula sa kaharian, si Penny, ay maglalakbay para humingi ng tulong para sa kanyang bayan. Makikilala niya sina Goku, Bulma, Oolong, Yamcha at Master Roshi na mangangakong tutulong sa kanya. Magpapasiya silang hanapin at lipunin ang mga Dragon Balls para hilingin ang kaligtasan at katiwasayan ng bayan ni Penny.
Sino kaya ang mauunang makakuha ng mga Dragon Balls?
Abangan ito sa
Dragon Ball Fight! Presents: The Legend of Shenron. Panoorin ang unang bahagi sa August 15, pagkatapos ng
Cross Fight B-Daman at ang pagpapatuloy nito sa August 16, pagkatapos na ng
Kamen Rider OOO, dito lang sa GMA Astig Authority!