GMA Logo Ruru Madrid para sa Black Rider
What's on TV

Unang episode ng 'Black Rider,' action-packed at may halong comedy at kilig

By Marah Ruiz
Published November 7, 2023 1:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid para sa Black Rider


Punung-puno ng action, comedy at kilig ang unang episode ng bagong full action series na 'Black Rider.'

For all audiences talaga ang bagong full action series na Black Rider.

Tila kumpletos rekados kaagad sa unang episode nito na umere kagabi, November 6.

Hitik na hitik ito sa makapigil-hiningang fight scenes pero nanatiling may puso dahil may mga light-hearted scenes din na puno ng kilig at katatawanan.

Maraming pumuri kay Ruru dahil sa ipinakita niyang husay bilang isang emerging action star.


Hinangaan din ang mala-pelikulang look at feel ng serye.


Masaya rin ang mga manonood dahil fast-paced at exciting ang kuwento.


Naaliw din ang marami dahil unang episode pa lang, star-studded na agad ang Black Rider.


Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood at mga netizens sa serye kaya apat na topics tungkol sa serye ang nag-trend sa X (formerly Twitter),


Sa unang episode pa lang, makikita na kaagad si Black Rider na nakipaglaban sa isang grupo ng sindikato para iligtas ang isang guro at kanyang mga estudyante.

Bumalik din ang kuwento anim na taon na ang nakalilipas para ipakilala si Elias Guerrero, karakter ni primetime action hero Ruru Madrid, isang masipag na delivery rider, mabuting kaibigan at ulirang anak.

Paano kaya magiging isang masked vigilante ang taong ganito kabusilak ang kalooban?


Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.