
Ngayong araw, March 19, ang pilot episode ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Contessa.
Mainit naman ang naging pagtanggap ng netizens sa unang episode ng show. Sa katunayan, nakuha nito ang top spot sa trending topics ng Twitter Philippines.
Pinuri rin ng mga netizens ang husay sa pag-arte ng leading lady ng show na si Glaiza de Castro.
Bitin pero kaabang-abang. Job well done for the pilot episode of #Contessa . Congratulations to our pinakamamahal na Bea, ate @glaizaredux and the rest of the casts! ?????????
— JC Inocentes (@inocentesjc) March 19, 2018
Congrats sa pilot episode ng Contessa! Unang araw palang napahanga mo na agad kami. Galing galing mo talaga at nakakamiss makita kang umacting ulit @glaizaredux !!!! Aabangan namin ang mga susunod na episode. Congrats love!!!!#Contessa
— Nico ???? (@ManangRhiGla) March 19, 2018
I love how Bea express emotions through her eyes. No need for any words/dialogues. Her emotions can be felt genuinely just by simply looking into her eyes. Isa ka talagang eyedol, @glaizaredux!!! #Contessa
— GK (@glaizaforkeeps) March 19, 2018
Glaiza As Contessa
Natuwa rin ang iba sa ganda at bilis ng pacing ng istorya.
Ung hindi mo napinsin ang bilis ng oras tpos n ung 1st Episode. Nakakaexcite ung episode bukas. Mukhang mas intense ang paghaharap ni @glaizaredux at ni @loyoung
— Cristina Delos Reyes (@kailluz_xiao) March 19, 2018
Congrats sa lahat n bumubuo ng#Contessa
Glaiza As Contessa pic.twitter.com/Ka0InA0XzT
Ang ganda ng 1st episode ng #Contessa mas kinakabahan ako sa mga mangyayari.....
— Bianca Fozz (@bianci_foz) March 19, 2018
Glaiza as Contessa
Patuloy na subaybayan ang Contessa, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.