GMA Logo unang hirit
What's Hot

Unang Hirit, sinagot ang full tank ng gas ng ilang jeepney drivers sa Caloocan City

By Jimboy Napoles
Published March 16, 2022 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA reschedules postponed Heat-Bulls game to Jan. 29
Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

unang hirit


Tatlong lucky jeepney drivers ang nanalo ng libreng full tank ng gas mula sa Unang Hirit.

Dahil sa lumolobong presyo ng produktong petrolyo ngayon, karamihan sa jeepney drivers ay umaaray sa bigat ng kanilang gastusin sa pamamasada.

Kaya naman upang makatulong sa ilang mga jeepney drivers sa Monumento sa Caloocan, City, bumisita ngayong Miyerkules, March 16, ang Unang Hirit kasama si Patricia Tumulak upang magpalaro at mamigay ng papremyo--libreng full tank ng gas sa ilang mga tsuper doon.

Sa segment na "Oh My Gas!" kailangan lamang sagutin o hulaan ng mga mabubunot na jeepney drivers ang mga bugtong na babasahin ni Patricia at kapag hindi naman nakasagot ay mabibigyan pa rin ng PhP1,000 consolation prize.

Tatlong lucky jeepney drivers naman ang nanalo ng libreng full tank ng gas mula sa Unang Hirit.

Panoorin ang masayang palaro ng Unang Hirit sa mga jeepney drivers sa video na ito:

Patuloy na makisaya kasama ang Unang Hirit barkada tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:30 a.m. dito lamang sa GMA.