
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.
Sa December 9 (Miyerkules) episode nito, ipinangako ni Bathalumang Ether kay Hagorn (John Arcilla) na makikita niya ang kaniyang anak na si Deshna (Inah De Belen) sa sandaling umanib ito sa Etheria na siya namang ginawa ng dating Hari ng Hathoria.
Dahil dito, dadakpin ni Ether si Deshna upang ipresenta sa kaniyang ama. Sa simula ay hindi pinagkakatiwalaan ni Deshna si Hagorn ngunit matatanggap rin niya ito nang ipakita ni Ether ang kaniyang masalimuot na nakaraan.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.