
Ramdam na ang init ng summer sa panalong gags at sexy ladies sa two-part summer episode ng longest-running Kapuso gag show na Bubble Gang!
#BGSummer: 'Bubble Gang' babes bikini war in Cebu!
Tiyak na magugustuhan ninyo ang handog ng Kapuso comedy genius na si Michael V at ng buong cast ng Bubble Gang na lumipad sa Nalusuan, Cebu para sa isang 'wet-tastic' summer special this 2019.
Paiinitin din ng Bubble ladies ang inyong Friday night dahil ipapamalas nila ang kanilang kaseksihan at comedic timing sa episode this March 22 at 29.
Makikigulo din sa summer special ng Bubble Gang ang ilan sa mga paborito ninyong characters tulad nina Kuya Wowie, Ina Moran at Selfie sa 'Ikaw At Ang Ina.'
Idagdag pa ang kulit tandem nina Mommy Vicky at Karen sa 'Balitang Ina!'
Umuwi ng maaga this Friday night at mag-enjoy kakatawa sa award-winning gag show na Bubble Gang this March 22 pagkatapos ng GMA Telebabad.