What's on TV

Pagalingan sa kusina, mapapanood ngayong July 8 sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino
Published June 16, 2023 1:50 PM PHT
Updated July 5, 2023 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Sarap Di ba


Abangan ang mga magtatapat sa kusina ng 'Sarap, 'Di Ba?' sa Kitchen Bida ngayong July 8.

Ngayong Sabado, July 8, isang bago at exciting na kitchen battle ang hatid sa atin ng Sarap, 'Di Ba? Ito ang "Kitchen Bida sa Sarap, 'Di Ba?"

Mapapanood sa kitchen showdown na ito ang dalawang pares. Isang mentor at isang cook ang maghahanda ng creative and delicious dish gamit ang secret bida ingredient. Sa huli, isang food expert ang hahatol sa kanilang inihanda.

Sa unang Kitchen Bida sa Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado magtatapat sina Donita Nose at Chef Niño Logarta at ang team nina Divine Tetay at Chef Koochie Laxamana.

Sarap Di Ba

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Alamin ang kanilang ihahanda sa loob ng 30 minutes at ano ang magiging hatol ng celebrity chef at mom na food expert this week na si China Cojuangco.

Abangan ang lahat ng ito para sa pagkakataong manalo sa Sarap Manalo Promo ng Sarap 'Di Ba? ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.