GMA Logo the clash 2023 contestants
What's on TV

Unang twist sa 'The Clash 2023,' ikinagulat ng Clashers at mga manonood

By Jansen Ramos
Published February 28, 2023 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

the clash 2023 contestants


Sina Mark Avila, Kirby Bas, Arabelle Dela Cruz, Pupa Dadivas, at Jean Drilon ang unang batch na naglaban-laban sa round two ng 'The Clash 2023.'

Nagsimula na ang unang twist sa GMA musical competition The Clash 2023 noong Linggo, February 26.

Sa nakaraang episode ng programa, ginulat ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang top 15 contestants ng pinakamatinding bakbakan sa kantahan sa pagpasok ng round two na binansagang 'Laban Kung Laban.'

Ito ay matapos piliin ng randomizer si Mark Avila na kailangan gumawa ng isang malaking desisyon na makakaapekto sa takbo ng kompetisyon.

Sa mechanics ng The Clash 2023, pinapili si Mark ng apat na Clashers: sina Kirby Bas, Arabelle Dela Cruz, Pupa Dadivas, at Jean Drilon.

Hindi pa alam ni Mark kung ano ang magiging papel ng mga pangalang tinawag niya pero ibinunyag din ng Clash Masters na makakalaban niya ito sa bagong round.

Sa pagpapatuloy ng singing competition, isa-isang nagperform ang unang limang Clashers mula sa top 15.

Matapos ang labanan, tanging apat lamang sa kanila ang nakabalik sa 'Top of the Clash' at makakatawid sa next round.

Sa huli, nagdesisyon ang The Clash panel na binubuo nina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha na i-eliminate si Pupa sa limang kalahok.

Hindi lang Clashers ang ninerbyos sa first big twist ng The Clash 2023 kundi ang 'Clashnation' na nanood sa TV at online.

Sa katunayan, pinag-usapan ito sa Twitter at naging trending topic pa ang #TheClashUnangGulat.

Mapapanood ang The Clash 2023 tuwing Linggo, 7:50 p.m. bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7.

Mayroon din itong livestream sa YouTube channel at Facebook page of The Clash at sa Facebook page of GMA Network.

Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.

Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

BAGO ITANGHAL ANG IKALIMANG THE CLASH CHAMP, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH GRAND CHAMPION NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: