
Sa susunod na episode ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, mapapanood na ang mga eksena nina Rose (Jodi Sta. Maria) at Alex (Gabbi Garcia) patungkol sa kani-kanilang love life.
Matapos magkausap ng mag-ina tungkol sa tunay na mga nangyari sa kanilang nakaraan, tila mas magiging close sa isa't isa sina Rose at Alex.
Mapapanood na unti-unti nang magiging malapit ulit si Alex sa kanyang mommy.
Kaabang-abang sa susunod na episodes ng serye na makapagkuwentuhan nila ang kanilang mga personal na buhay.
Kabilang na rito ang mga taong nagpasaya at kasalukuyang nagpapasaya sa kanila.
Masayang ikukuwento ni Alex kay Rose na mayroong isang binata na nagpapatibok ngayon ng kanyang puso at ito nga ay si Renz (Joshua Garcia).
Hindi dapat palampasin ng mga manonood kung paano malalaman ni Rose na ang dati niyang kasintahan ang boyfriend ngayon ng kanya mismong anak.
Ano kaya ang gagawin ni Rose?
Mapapagtakpan kaya niya ang katotohanan tungkol sa nakaraan nila ni Renz?
Muli bang masisira ang relasyon ng mag-ina na sina Rose at Alex dahil kay Renz?
Abangan ang mga kasagutan sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: