
Ngayong Miyerkules, mas kapana-panabik na mga eksena ang matutunghayan sa biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart.
Dahil sobrang komportable na si Alex (Gabbi Garcia) kay Renz (Joshua Garcia), isasama niya ang binata sa enggrandeng birthday party ng kanyang ama na si Matt (Richard Yap).
Matapos makilala ni Alex ang ina ni Renz na si Vangie (Eula Valdes), makikilala naman ni Renz ang pamilya ni Alex.
Kaabang-abang kung ano ang aabutan nina Alex at Renz sa mismong event kung saan dadalo rin ang iba pang miyembro ng Zhang family.
Hindi rin dapat palampasin ang muling paglabas ni Rose (Jodi Sta. Maria) sa serye.
Subaybayan ang Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: