GMA Logo  Gabbi Garcia and Joshua Garcia
What's on TV

Unbreak My Heart: Alex, uuwi ng Pilipinas para kay Renz?

By EJ Chua
Published June 27, 2023 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

 Gabbi Garcia and Joshua Garcia


Abangan sa #UnbreakMyHeart ang mga kayang gawin ni Alex para tulungan si Renz sa kanyang problema.

Sa episode ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart na ipapalabas ngayong Martes, June 27, matutunghayan kung paano mas ipaparamdam ni Alex (Gabbi Garcia) ang pagpapahalaga niya kay Renz (Joshua Garcia).

Sa bagong episode ng serye, mapapanood na ipapatawag ni Lily (Laurice Guillen) ang kanyang apo na si Alex para sa isang seryosong usapan.

Kaabang-abang kung paano ipaglalaban ni Alex si Renz at ang pagtulong niya sa binata para sa medical emergency na kinakaharap ng kanyang ama na si Mario (Romnick Sarmenta).

Matatandaang kamakailan lang ay nagpaalam si Renz kay Alex na kailangan niyang umuwi ng Pilipinas para bantayan ang kanyang ama.

Kasunod nito, pinadalhan ni Alex ng malaking halaga si Renz para tulungan ito sa problema ng kanyang pamilya.

Bukod pa rito, uuwi rin na rin ng Pilipinas si Alex para kay Renz.

Mas lalalim ba ang samahan ng dalawa?

Samantala, may pag-asa pa bang makausap ni Renz si Rose (Jodi Sta. Maria)?

Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na ipapalabas ngayong Martes sa video na ito:

Patuloy na tumutok sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: