GMA Logo Gabbi Garcia, Joshua Garcia, Jodi Sta Maria
Source: GMA, ABS-CBN, and Dreamscape
What's on TV

Unbreak My Heart: Ang pag-iimbestiga sa katotohanan

By Faye Almazan
Published August 8, 2023 6:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia, Joshua Garcia, Jodi Sta Maria


Mapatunayan kaya ni Renz na siya ay inosente?

Mas kapana-panabik na ang mga eksenang aabangan ng viewers ng drama series na Unbreak My Heart.

Noong nakaraang gabi ay maaalala na pinaghihinalaan ni Rose (Jodi Sta. Maria) na may kinalaman si Renz (Joshua Garcia) sa tangkang pagpatay kay Jessa (Iana Bernardez).

Sa episode ngayong Huwebes, August 8, ay magsisimula na ang pag-alam sa katotohanan sa likod ng pagtatangka sa buhay ni Jessa.

Hindi na rin mapipigilan ni Rose na hindi makialam kina Alex (Gabbi Garcia) at Renz. Pinipilit din siya ni Jessa na kumbinsihin si Alex na layuan na ang binata.

Samantala, kokomprontahin ni Renz si Rose tungkol dito at aakusahan na sinisira niya ang relasyon nina Renz at Alex.

Tingnan ang ilan sa mga eksenang dapat abangan sa episode ngayong gabi dito:

Ang Unbreak My Heart ay ang biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV sa oras na 11:25 p.m.

Maaari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG MGA MAGARANG OUTFITS NG 'UNBREAK MY HEART' STARS SA GMA GALA 2023: