
Lalo nang pakakaabangan ng mga viewers ng Unbreak My Heart ang mga susunod pang mga mangyayari sa drama series.
Maaalala na nagsimula nang pagduduhan nina Rose (Jodi Sta. Maria) at Alex (Gabbi Garcia) ang tunay na intensyon ni Renz.
Sa episode ngayong Huwebes, July 27, ay mas lalong iigting ang paghihinala ni Alex kay Renz.
Ang mga pagdududang ito ay ipagtatapat niya kay Rose na siyang makakadagdag rin sa bagabag na nararamdaman ng huli.
Sa isang banda ay hindi pa rin tinitigilan si Rose ng nanay ni Renz na si Vangie (Eula Valdes) at patuloy pa rin nitong pinipilit palayuin si Rose sa kanyang anak.
May patutunguhan nga ba ang mga hinala ni Alex? Maisisiwalat na kaya ang tunay na pakay ni Renz sa mag-inang Alex at Rose?
Silipin ang ilan sa mga eksenang dapat abangan sa episode ngayong gabi:
Ang Unbreak My Heart ay ang biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
TINGNAN ANG 'UNBREAK MY HEART' CAST SA RED CARPET NG GMA GALA 2023 DITO: