
Sa episode ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart na ipinalabas nito lamang Huwebes, June 15, natunghayan ang biglaang pagtatagpo nina Rose (Jodi Sta.Maria) at Christina (Sunshine Cruz).
Nang magtungo sa ospital si Rose upang ipa-check up ang kanyang kondisyon, gulat na gulat siya nang malaman niyang bumubuti na ang kanyang kalagayan.
Masayang-masaya si Rose dahil hindi niya inaasahan ang magandang balita na kanyang narinig.
Nang pauwi na siya ay bigla na lamang niyang nakita ang bagong asawa ni Matt (Richard Yap) na si Christina.
Narinig niyang sinisigawan nito ang isang staff sa ospital at may binanggit ito tungkol sa pagkawala ng kanyang baby.
Dahil hindi matanggap ni Christina na wala na ang kanyang baby, nakaisip siya ng plano kung paano mapapagtakpan ang tunay na nangyari.
Pauwi na sana si Rose nang bigla siyang sinugod ni Christina at labis siyang nagtaka nang biglang saktan nito ang kanyang sarili.
Nang maikwento niya kay Luz (Nikki Valdez) ang nangyari, napagtanto ni Rose na siya ang gagamitin ni Christina upang pagtakpan ang pagkawala ng kanyang baby.
Kahit inosente si Rose ay siya ang itinuro ni Christina upang sa kanya muli ibuhos ng Zhang family ang kanilang galit.
Panoorin ang eksena nila sa episode na ito:
Kanino kaya maniniwala si Matt? Kay Christina ba o kay Rose?
Subaybayan ang Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: