
Ngayong Lunes sa biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart, matutunghayan na ang pagtatagpo ng dalawang ligaw at sugatang mga puso.
Makikilala ni Renz (Joshua Garcia) ang dalagang si Alex, ang karakter na ginagampanan ni Gabbi Garcia sa serye.
Hindi dapat palampasin sa panibagong episode kung ano ang sitwasyon at kalagayan ni Alex kapag nakita siya ng binatang si Renz.
Kaabang-abang kung paano at ilang beses na magku-krus ang mga landas nina Renz at Alex hanggang sa makilala na nila ng mas malalim ang isa't isa.
Makikilala rin ni Alex ang ina ni Renz na Vangie (Eula Valdes).
Si Renz na kaya ang lalaking tunay na magpapasaya kay Alex?
At si Alex na kaya ang sagot para tuluyang makalimutan ni Renz ang sakit na ipinaramdam sa kanya ni Rose (Jodi Sta. Maria) sa biglaang pag-alis ng huli?
Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Lunes sa video na ito:
Ano kaya ang magiging role nina Renz at Alex sa buhay ng isa't isa?
Alamin ang kasagutan sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: