GMA Logo Bianca De Vera, Will Ashley
Courtesy: willashley17 (IG), biancadeveraa (IG), GMANetwork.com
What's Hot

'Unbreak My Heart' fans nina Will Ashley at Bianca De Vera, happy na magkasama ang dalawa sa 'PBB'

By EJ Chua
Published March 20, 2025 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca De Vera, Will Ashley


Reunited ang 'Unbreak My Heart' stars na sina Will Ashley at Bianca De Vera sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

Isa ang Kapuso star na si Will Ashley sa mga talaga namang nagulat sa pagpasok ng Kapamilya artist na si Bianca De Vera sa Bahay ni Kuya.

Napanood ang naturang sorpresa ni Kuya tungkol kay Bianca bilang bagong housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition nitong Martes, March 18.

Who is Anne Curtis's look-alike Bianca De Vera?

Kasunod nito, bumuhos ang suporta ng netizens para kina Will at Bianca, na unang napanood na magkasama sa isa ring collaboration project ng GMA at ABS-CBN na Unbreak My Heart.

Nakilala ang dalawang aktor sa hit drama series noong 2023 bilang magka-love team na sina Jerry (Will Ashley) at Gwen (Bianca De Vera).

Ang ilan sa kanilang fans, tila umaasa na magkakaibigan o mas magiging close pa sa isa't isa ang Kapuso at Kapamilya star habang sila ay magkasama sa loob ng Bahay ni Kuya.

Narito ang ilang reaksyon ng supporters sa Pinoy Big Brother journey nina Will at Bianca:

Samantala, si Will ay ang Mama's Dreambae ng Cavite, habang si Bianca naman ay ang Sassy Unica Hija ng Taguig sa teleserye ng totoong buhay.

Huwag palampasin ang non-stop na mga sorpresa sa bagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

RELATED GALLERY:L Notable scenes from Unbreak My Heart